Aubrey Miles (Survivor Philippines Celebrity showdown)

Hinahangaan ko itong si Aubrey Miles sa reality TV show na Survivor Philippines Celebrity Showdown. Diskarte ang pinairal nya para makarating sa final four.
Sa simula e ordinaryong artista lang ang tingin ko dito kay Aubrey Miles sa tingin ko nga e hindi ito magtatagal at susuko din kaagad sa larong survivor. Habang tumatagal eh lumalabas na sya pala ang nagpapalakad or nakakakumbinsi sa mga kapwa survivor sa pagpaplano sa sunod sunod nilang patatalsikin sa isla. Sa subrang pagka curious naisipan ko na bisitahin ang facebook acount ng Survivor Philippines, at dito nalaman ko na madami palang mga viewers ang nagagalit dito kay Aubrey Miles. Nakakalungkot nga na masyadong personal or masakit ang mga comment ng ibang viewers at ang iba pa nga e nakakatakot kung iisipin dahil halos pagbabanta sa buhay ang mga kumento nila. At syempre mayron din namang malawak ang pang unawa na nag ko kumento ng patas sa bawat reaksyon ng bawat survivor sa mga pangyayari.

Dito sa larong survivor or kahit sa alin pa mang reality TV show eh alam naman natin na mas nakakakuha ng paghanga ang mga good boy or good girl image. At kung lahat man sila good image e nakakakuha ng atensyon ang may mga hitsura, sunod dito ang talent,kasikatan at katayuan sa buhay.

Natapos ang larong survivor at hindi nanalo si Aubrey, magkaganon pa man e walang sama ng loob na makikita sa mukha niya, Malawak ang pang unawa at tanggap ang reality ng laro ng Survivor. saludo ako sa yo Aubrey Miles.

Comments

Popular Posts