Magandang Buhay

Syempre lahat ng tao eh nagangarap ng magandang buhay. Ibat ibang paraan ang ginagawa natin para lamang maabot ang pangarap nating ito. Yon nga lang hindi lahat ng tao e may kakayanan na labanan ang mga pagsubok ng buhay tungo sa panagarap. Ang buhay nating ito eh punong puno ng pagsubok na kung malalampasan natin e masasabi natin na tayo eh matatag at maaring maging daan ito para makamtan natin ang magandang buhay na ating inaasam asam.

Pera, salapi o kayamanan. Ito ang inaasam asam ng mga taong salat sa yaman o yong mga mahihirap, mga kapos sa buhay. Iniisip nila na sa pagkakaroon ng pera o ng kayamanan e makakamtan na nila ang magandang buhay. Kahit nga ako sa sarili ko ganyan din ang niisip ko na kung yayaman ako e gaganda ang aking buhay. Pero hindi ganon yon, dahil ang magandang buhay e kumbinasyon ng halos ng lahat ng bahagi ng buhay, nandyan nga ang pera pero napakahalag ng mayrong mga tao na nagmamahal at nagtitiwala sa yo. Isang sangkap yan sa pagkakaroon ng magandang buhay. Bagamat malaking bahagi ang nagagawa ng pera sa kagandahan ng buhay pero nawawalan ng silbi ito kung walang nagmamahal or minamahal tayo.

Comments