Pangalawang Pasko sa Dubai.

Malapit na naman ang Pasko at katulad ng inaasahan e hindi ganon kasaya na katulad ng sa Pilipinas ang pagdiriwang dito sa Dubai. Madami din namang Kristiyano dito sa Dubai at mapapansin din na ipinagdriwang dito ang pasko kahit na ito ay bansa ng mga muslem. May mga tahanan na naglalagay ng dekorasyong pamasko sa kanilang tahanan, sa mga establismento at mga hotel. Mabuti na nga lang at maunawain ang pamahalaan ng Dubai pagdating sa kanya kanyang pagdiriwang, ang mahalaga lang e hindi ito nakakaperwisyo ng kapwa tao.
Nagdiriwang din naman kami dito kahit papano, kainan, musikang pamasko,salo salo kasama ang mga kaibigan. Tawag sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Eh sa tutuo lang yan lang ang mga pweding gawin kapag pasko dito sa dubai.

Comments