Sky Flakes for emergency

Lumaki ako sa provencia, at nong mga panahon na yon e wala pang refrigerator na kung saan e pweding mag stock ng pag kain. Kaya pag nagluto ka ng meryenda e kailanganng ubusin din kaagad para maubos at wala ng mapanis. So so so kaya noon pag may biglaang bisita walang ibang maiipakain kundi mga prutas na nandyan lang sa tabi tabi, katulad ng manga, dalandan, star apple, depende sa panahon ng anong prutas. e sa amin may niyogan kami kaya ang buko e pangkaraniwan na naming sinisilbi pag mayron kaming bisita. Syempre parati din kaming may stock ng SKYFLAKES CRAKERS. Parati din kaming may skyflakes sa bahay namin at yon nga para sa mga hindi inaasahang bisita. Pero kadalasan hindi na umaabot sa bisita dahil pinapapak ko na pag walang makain. ha ha ha. Kadalasan din skyflakes ang madadatnan mong pagkain ng mga matatanda, pag bumibisita kami sa isang bahay parati din silang may skyflakes, ewan ko ba pero masarap talaga ang skyflakes hindi matamis hindi maalat at sadyang tamang tama lang ang lasa. Usually malaking box ang lalagyanan ng skyflakes lalo na kung sa probensya, pangmatagalan na stock na yon kc bihira silang umuwi sa bayan dahil malayo ang groceries. yong box na yon e tatagal na ng isang buwan. Pampalipas gutom din ang skyflakes kahit sa akin ngayon dito sa Dubai. Mabuti na nga lang at may mga Filipino groceries dito, Filipino products kaya subrang okay. At ito ngang skyflakes simula ng makita ko ito sa grocery e parati na akong may stock para sa emergency gutom.

Comments