Boracay of the north

Ngayon na papalapit na naman ako sa muli kong pagbabakasyon sa Pilipinas eh sinisimulan ko na ang pag pa plano sa mga lugar na pupuntahan, Nangunguna na dyan syempre ang Boracy. Kahit na noong nasa Pilipinas pa lang ako eh pangarap ko na talagang makarating sa Boracy, inisip ko nga dati na pag nagkaroon ako ng ten thousand pesos eh makikipagsapalaran na ako sa boracay at  maghahanap ng kahit anong trabaho don. Hindi nangyari yon kaya nandito ako ngayon.

Ngayon pa lang, kahit papaano eh may naipon na ako para sa bakasyon ko na ito. Plano ko pa rin pumunta sa Boracay pero pupuntahan ko din itong Boracay sa norteng bahagi ng Pilipinas. Napanood ko kanina sa Saksi GMA7 sa internet ang Anguib beach na sinasabing mura at kasing ganda ng Boracay.

Here are some of the pictures from my fellow blogger.

Anguib Beach Cagayan

Comments