Jessica Sanchez, Bakit gusto nyo siya?



Opo isa rin po ako sa tagahanga ng hinahanagaan ninyong si Jessica Sanchez, Kaya nga nag malaman ko ngayong araw na hindi sya ang nanalo sa American Idol ay nawalan na ako ng gana na panoorin pa ang palabas. gusto ko rin si Philip Philips dahil all the way ang kanyang mga performance. Magaling kung magaling.

Bakit Gusto ninyo si Jessica Sanchez?  Unang una na eh dahil sa lahing Pilipino na pinagmulan nya at pangalawa na nga eh dahil magaling siyang kumanta. Hindi naman talaga ako nanonood ng American Idol, nagsimula lang ito ng minsang nasa youtube ako at nakita ko itong isang Pinay na naka pasa sa auditon ng American Idol 2012, si Ashley Robles pero hindi sya napili sa finalist. At ito ngang si Jessica Sanchez.

Masasabi ko na all  out ang galing ng boses ni Jessica na nakaka capture ng damdamin ng taong makakakinig ng kanayang pag awit pero kulang pa sa  tingin ko sa galaw ng katawan( hindi ko alam kung anong tawag don)

Suma total performer na talaga itong si Jessica Sanchez, Kung mapapanood ninyo sa youtube simula noong 11 ba or 12 years old pa lang sya eh kasali na sya sa america got talent at iba pang singing competitions, simula noon eh kung saan saan na sya nag pe perform family party, school at iba pa.

Ngayon na pumangalawa lang sya kay Philips eh sana eh malayo pa ang marating ni Jessica at sana eh isama niya tayong mga Pilipino sa tagumpay nya.

Comments

Popular Posts