Flooded on my vacation.

After one year eh nandito na naman ako sa Pilipinas para sa aking bakasyon. Madami akong planong gagawin at pupuntahan sana. Lumapag ang eroplano na umuulan mabuti na nga lamang at hindi baha.

Isang linggo na maayos ang panahon at naka gala pa nga ako sa mga mall. Subalit ng mga sumunod na araw ay nagsimula na ngang umulan. Hindi naman kalakasan subalit walang hinto at doon na nga nabalita na bumabaha na sa ibang panig ng Manila.
Isang umaga pag dungaw ko sa bintana ng boarding house na tinotuluyan ko ay nakita ko na baha na din samantalang ayon sa may ari ng bahay ay hindi raw talaga bumabaha sa lugar na ito at Ito nga daw ang first time.

Hindi naman naka pasok sa loob ng bahay ang tubig pero syempre kinakailangan ko pa rin na lumusok sa baha para lumabas at bumili ng pagkain. Actually gumagala pa nga ako kahit na ga tuhod ang tubig. Iniisip ko nga na mas safe pa sa mall kesa umuwi sa boarding house dahil bukod sa walang  masakyan na jeep or bus taxi eh dilikado rin na mauling sa mga open manhole na gawa ng baha.

Naisip ko nga na malamang eh subrang nag aalala na naman ang mga ka at anak na nasa Abroad, katulad namin noong nasa Dubai ako habang ang bagyong ondoy ay nagpabaha at nanalanta dito sa Pilipinas.


Comments

Popular Posts