Intsik sa Pilipinas

Sa kasalukuyan ay madami akong kasamang Chinese sa aking trabaho bilang kusinero sa Dubai. Actually katulad din dito sa Pilipinas ay may tinatawag ding ChinaTown sa Dubai. Hindi man sila ang mayayaman sa Dubai ay sila pa rin ang kilala sa pagtitinda ng sarit saring bagay doon.

Sa una ay hindi mo maiintindihan ang bawat bigkas nila ng wikang English subalit sa kalaonan ay masasanay ka rin sa pakikipag usap sa kanila.

Natutuwa lang ako dito sa mga Chinese na ito na malamang ay dito na lumaki sa Pilipinas. Nakikinig ko silang nag uusap at Tagalog ang salita nila.

Para sa akin ay malaking tulong para sa ating mga Pilipino ang mga lahing Intsik na naninirahan at lumaki dito sa Pilipinas dahil sila ang masisinop at nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Comments