Pangarap na nasira

Pangarap na nasira.

Bilang isang bata na lumaki sa probinsya na kung saan ang mga laruan ay mga bagay na katulad ng kahoy, papel at kung ano ano pang box na pinag lagyan ng kung ano mang bagay, walang shopping mall na alam kundi ang tindahan sa kabilang kanto at ang palengke sa bayan.

Sabi nga, ang henerasyon natin ang huli sa mga kabataan na naglalaro sa kalsada at tayo naman ang pinaka una henerasyon na nakakaranas ng moderno at mabilis na teknolohiya. Sino ba ngayon ang walang telepono? At branded na kung ano ano.

Habang lumilipas ang panahon, Habang tumatanda nga tayo ay marami tayong mga bagay natotutunan, marami tayong natutuklasan,nagbabago ang pananaw natin sa buhay, pati mga pangarap natin eh nagbabago din.

Kung noong mga bata pa tayo eh simple lang at gusto nating maging teacher, upang makatulong sa mga may sakit ay gusto nating maging doktor, at para ipag tanggol ang naapi ay gusto natin maging abogado, pulis at maging sundalo.

Magsasaka, magingisda at karpentero ang karamihan sa mga magulang natin noon, pero ni isa sa atin eh walang gustong maging isa man sa mga yon.
Marahil ay iniisip natin na mahirap ang ganong propesyon. Nakabilad sa araw marungis tingnan at parating pawisan.

Dahil sa mga pagbabago eh nagiging mapili tayo sa mga pagkakataon na dumarating sa ating buhay. Minsan nakakalimutan natin na may mga pangarap tayong tinututukan at dapat na pinagpa planuhan. Subalit dahil sa tukso ng karangyaan at katamaran, kabutihan at pangarap natin ay kinakalimutan.

Nasaan na nga ba tayo ngayon? Ikaw ba ay ang gusto mong maging..noon?
Masdan mo ang mga kalaro mo sa kalsada noon, bakit sa lansangan sila nakatira ngayon. Segurado ako hindi nila ito ginusto noon. Pero sa palagay mo eh bakit nagkaganon?





Comments

Popular Posts