Best moment of the day.

This is just perfect, I just finished my nasigoring and now I am having a cup of chowking coffee. The weather is perfect, not hot nor humid its cool and not cold.

Now i remember my days sa quezon province kung saan eh ganito rin ang weather. Natatandaan ko pa na sa tanghali pag nagpapahinga kami sa pag tatanim or pag aani ng palay eh sumisilong kami sa lilim ng puno at doon eh kumakain kami ng baon namin. Parang picnic sa bukid ang eksenang yon.

Kaibihan nga lang ngayon eh mga sasakyan, matataas na building, mga iba ibang lahi ng tao at kung ano ano pa ang  nakikita sa paligid, kumpara noon eh mga halaman at pananim, mga puno at hayop,  at mga magsasaka lang ang nakikita ko.

Ganito talaga ang buhay, kailangan lang eh may pangarap tayo para magbago ang takbo ng buhay natin. Sa mga ganitong sandali, best moments nga kung saan naaalala natin yong buhay natin noon.

Comments