The Real Gravy

Kung ang mga masasarap na gravy sa mga fastfood sa Pilipinas ay ready made at kailangan na lang ihalo sa tubig, sa mga mamahaling restaurant po eh hindi. Ang mga gravy po ay gawa sa boto ng baby cow or yong tinatawag na veal bones. Medyo mahabang proseso pero sanayan na rin lang sa pag luluto dahil masarap naman pag natapos.

Noong una eh nagulat ako ng may makita akong dalawang box ng buto ng baka sa aming kusina, I ask my chef kung para saan yon, at para sa gravy nga daw. At yon nga sumama ako sa pagluluto hanggang sa matuto ako at ngayon nga eh sisiw na sa akin ang pag gawa nito. Habang tumatagal eh ibat ibang paraan at techniques ang aking natutunan.

Here is how we prepare it.

Una, ilalatag sa tray yong mga buto then sasabuyan sya ng kunting harina then  isasalang sya sa oven para e roast at matusta sa loob ng isang oras sa temperature na  180' C.

iphone4s 004 Pag na roast na yong mga buto eh ihahanda naman yong malaking kawali or yong ginagamit namin sa hotel eh tilting pan.  Papainitin yong tilting pan para mag saute ng mirepoix ( cut celery,carrots, onion etc) igigisa lang ito hanggang sa mag caramelized sya at  kung kailangang e deglaze i lagyan lang ng kunting tubig. Pagkatapos eh lagyan sya ng tomato paste, this help to add a taste and color.

Then isasalin sa tilting pan yong roasted bones, isasama sa saute mirepoix at lagyan ito ng tubig, yong tamang matakpan lang yong mga buto. To add some aroma eh nilalagyan din namin sya ng bouquet garni (mix herbs like thyme, rosemary, parsely etc) lulutuin ito sa low to medium heat/fire  at pagkatapos eh iiwanan na namin ito ng mga 5-10 hours. normally sa gabi namin ito ginagawa bago umuwi sa bahay at kinabukasan na namin babalikan para salain.

 

iphone4s 010Pagka nasala na eh saka naman namin ito e re reduce para makuha yong tamang consistency, actually  umaabot ng halos 15 hours ang preparation at pag luluto ng gravy na ito or tinatawag naming veal jus.

At pag na reduce na eh saka namain palalamigin at pag katapos eh ilalagay sa plastic or vacuum bag para e lagay sa frezzer. at e di defrost na lang kung kailangan.

Ganon katagal mag luto ng gravy sauce kaya naman nauso yong mga instant gravy. ( chicken cubes, gravy powder etc.)

 

Comments