Annoying girl

imageMay mga babae lalo na kung maganda eh okay lang na sumiksik sa limahang tao na upuan sa likod ng bus. Pero dito sa babaeng ito na parati nya na lang ginagawa na sumiksik sa amin sa upuan eh nakakainis na. Hindi sya nag iisip na mas magiging comfortable sya kung sa kasunod na bus na lang sya sasakay, hindi sya nag iisip na kaming mga katabi nya eh halos 30 minuto ding uncomfortable sa pagkakaupo habang nag bibiyahe. Segurado namang may bus dahil kapag napuno ang unang bus eh mayrong pangalawa at aalis ito sa saktong oras na every hour. Company service ang bus na ito papunta at pauwi sa bahay at sa hotel.

Naiinis ako dahil parating ganito ang diskarte nya, hindi dahil sa hindi sya maganda or kung ano pa man.

Comments