Tempatation of Wife ( tagalog version abroad )

Hindi konnaman talaga nasimulan itong temptation of wife, una ko syang napanood ng nong mga oras na nalaman ni Angeline na buntis sya at nag pakasal sila ni Marcel. nagandahan ako sa mga eksina na kung saan eh kinakawawa sya ng mga kontrabida dito at kung gaano kabuting tao si Angeline.

At dahil nga nagandahan ako sa kwento eh gabi gabi ko na syang pinapanood dahil mayron naman kaming subscription dito sa Dubai, i checked sa internet at mayron din pala at ang kagandahan eh late lang sya ng ilang oras dahil sa time difference sa Dubai at Pilipinas. Sa Cable subscription kami namin dito eh late ng dalawang araw.

Hinahangaan ko ang character ni Angeline, mapagmahal, mabait, makatarungan, makatwiran at makadiyos. Bagaman at naghiganti si Angeline eh indi naman ito naging marahas para sa lahat.

Maganda ang kwento at gusto ko ang naging wakas, Pagpapatawad, pag hingi ng tawad at Kasiyahan ang naging wakas.

Alam ko na ito ay original na korean novela at hindi ko napanood ang original nito pero para sa akin our Filipino actirs are great sa pag portray ng mga role dito.




20130406-004817.jpg

Image source: GMA kapuso

Comments

Popular Posts