How did I go to the gym for the first time.

"Be confident, Be strong, Be good looking and healthy.

Kakagaling ko lang noon sa trabaho at papasok na ako sa school sa RTU ng abutan ako ng leaflets ng isang binata sa may parting Boni ave. The leaflets say " Be confident, Be stong and be good looking" Sa lahat ng nabanggit eh wala ako ni isang katangian sa mga iyon kaya naman binalikan ko yong binata at tinanong kung saan yong lugar papunta don. Nag aalangan pa ako dahil subrang napakamahiyain ko ng mga panahon na yon. Yong tipong mag a attendance lang sa klase eh nahihiya akong itaas ang kamay pag tinawag na ang pangalan ko. He explain to me,at GYM Club pala yon sa may Professional tower sa tabi ng Horizon Hotel sa Boni Ave.
Dubai Gym and Health Club

Pagkatapos ng klase ko eh pumunta ako sa professional tower na umaasa na sana eh walang gaanong tao at tamang tama naman na isang maliit na lalake pero malaki ang katawan ang nandon at siya pala ang may ari at sya na rin ang Gym instructor doon. Mabait naman siya at nakumbinsi nya ako na mag member kahit na medyo alanganin pa ang kinikita ko noon na pang support sa aking pag aaral at pang gastos sa araw araw. Inisip ko na lang na babawasan ko na lang ang pagkain kain sa Jollibee, Mc Donald at sa mga Karenderia na lang ako kakain. Nang mapa oo nya ako eh agad nya sa aking pinaliwanag ang mga equipments at machine na nandon at kung papaano ito gamitin. He showed me the sauna, shower and changing room at kung papano e operate ang mga ito. I remember he didn't mention anything about the leaflets on how to be confident and be good looking and I didn't able to ask because i get excited sa pagpapaliwanag nya sa mga machine.

The next day, pagkatapos ng klase ko eh pumunta ako sa Gym at nahiya pa akong pumasok, sinilip silip ko sa glass door kung may tao at nag alangan ako dahil may dalawang lalake doon na may magandang pangangatawan na nag wo work out. Uuwi na sana ako dahil nahihiya ako pero pag lingon ko pabalik eh nasa likod ko yong Gym instructor at iyon na, pinapasok nya ako at kinausap nya ako about sa health ko, allergies, hika, sakit sa puso at kung ano ano pa. Okay naman ako kaya binigyan niya ako ng work out program. Sets of exercise na kailangan kung gawin sa loob ng isang buwan. Pinakita nya sa akin kung paano gamitin at pano gawin ang bawat exercise. He told me to call him in case i forgot something and in case i need help during the work-out.

At nagsimula akong gumamit ng mga dumbell, barbell, machine etc mula sa pinaka magaan hanggang sa bigat na aking kinakaya. Paminsan minsan eh humihingi ako ng tulong sa gym instructor sa tamang proseso ng aking ginagawa. After more than one hour eh natapos ko ang program and it was tiring, sweating but it feels good. The day after i experienced this body pain na eni expect ko naman na dahil pinaliwanag na ito sa akin ng Gym Instructor. It was really painful specially with my hand because of the lifting and bicep exercise na ginawa ko.

I went there for the second day and second program and I saw new faces and some are surprises to me that they are not so good looking, some are fat and some are just having a regular body. And some of those people inside i felt that I have better body more than them kahit na payat ako.

I keep on going to the Gym, the pain is started to be a good feeling just because it feels good that i crave to feel it all the time. I feel the changes in my body, and a little I can see it too. It maybe sound funny but i feel that i have a good looking body. I become familiar with the procedure and how to use the equipment and its good that some people there are good that are offering help and friendship and that I started to talk to people, joke and laugh with them. It was good.

After one month of working out, there is no big changes for me. But when i went to visit my family in the province i was amazed with thier reactions, they noticed the changes and they like my body kahit na hindi ko naman binanggit sa kanila na nagbubuhat ako sa Gym. Hindi ko nga napansin na nag gain ako ng weight pero segurado ako nagka hugis ang mga braso ko at pakiramdam ko lang eh lumapad ang balikat ko at likod. At seguro dahil araw araw akong nakikita ng mga katrabaho ko at mga kaklase eh hindi nila napapansin ang mga changes na ito.

As I keep on going to the Gym don ko naalala yong nakasulat sa leaflets na binigay sa akin nong binata makalipas ang dalawang buwan " be confident, be strong and be goodlooking." I felt that my confident was developed nong nag gym ako. Dahil don ko nalaman na hindi lang ang may magagandang katawan ang nagpupunta sa Gym. Na may mga mataba, katamtaman at payat din na katulad ko, na mas maganda pa nga ang katawan ko kesa sa iba sa kanila, na hindi dapat ako mahiya dahil sila eh hindi nahihiya. At tutoo naman na lumakas ako kung dati eh hindi ko nabubuhat ang 10 kG na barbell eh nakaya ko na ang 20 Kg. at hindi na ako antokin na katulad ng dati. And syempre dahil pakiramdam ko maganda ang katawan ko eh sa tingin ko rin eh bumabagay sa akin ang mga damit na isinosuot ko at pakiramdam ko nga mas maganda pa akong tingnan pag nakahubad.

[caption id="attachment_581" align="alignnone" width="300"]First time First time in the gym[/caption]

Kung dati rati eh nahihiya akong magtaas ng kamay sa attendance, kung dati rati eh umiikot ako sa gilid ng mall para walang gaanong tao na makakita sa akin, kung dati rati eh subrang napakamahiyain ko. Lahat ng iyon eh nawala at sa ngayon nga gusto ko eh lahat ng tao eh nakatingin sa akin pag akyat ko dito sa bus.

20130709-110700.jpg

Comments