Panlasang Filipino abroad

Finding a Filipino food is one of the biggest challenge na na e encounter natin kapag lumalabas tayo ng Pilipinas. Masarap man ang mga steaks, mga pasta at kung ano ano pang sikat na cuisines sa mundo eh pagkaing pinoy pa rin ang hinahanap hanap natin.

20130714-002859.jpgDito sa Dubai eh marami rami rin namang Filipino restaurant kaya naman kung tlagang sasadyain mo eh makakatikim ka ng pagkaing pinoy. Pero hindi maiiwasan na may mga lugar katulad ng Dubai Mall at iba pang mga shopping mall na walang Filipino restaurant. Sa mga ganitong pagkakataon eh wala tayong gaanong choice kung hindi ang kumain sa mga international fast food chains na katulad ng KFC, Mc Donald, Wendy's at Burger King. Kung sa Pilipinas eh nag se serve ng rice ang mga fastfoods na ito eh dito po sa Dubai at sa iba pang bansa eh hindi po.

Maswerte na kung makakakita tayo ng kahit na anong Asian restaurant dahil kahit papaano eh nag se serve sila ng rice at seguradong papatok sa panlasang pinoy. Chowking sa Dubai City Centre at Al Ghurair Mall, Lemon Grass sa Batutta Mall, Chinese restaurant sa food court ng Dubai mall, Barrio Fiesta sa Burjuman Mall at mga fastfood chain sa Dubai Festival City Mall ang ilan sa madalas kung kainan sakaling napadpad ako sa mga mall na ito.

Click here to go to zomato for the complete list of restaurant serving Filipino food.

 

20130714-003007.jpg

Comments