Thank you for Helping the Philippines.

Today, I started the day with a tears in my eyes. I cannot please but to cry with the news, and images in from the Philippines. I cried because people there are hopeless and they need help, I cried because people from different parts of the world do help and it touches my heart.


http://www.youtube.com/watch?v=fxfXUjdphK8

Thank you very much to all the people, to all the nations who gives financial supports and prayers to my fellow Filipinos affected by the recent devastating typhoon Haiyan in the Philippines. In return, we "Overseas Filipino Workers" will keep on doing our best in performing our job in your country.

Nakakalungkot na nangyari ang ganito katinding kalamidad sa ating bansa. Nasanay na tayong mga Pilipino sa madalas na mga bagyo, at pag baha pero ang ganito katinding resulta eh lubhang napakahirap na harapin. Nagdurugo ang puso ko habang sinusulat ko ito at hindi mawala sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari sa mga susunod pa na araw.

Gutom, pagod, hirap at matinding pagdadalamhati ang dinadanas ng ating mga kababayan sa ngayon kaya sana eh makarating na sa kanila ang mga bagay na kailangan nila sa ngayon lalong lalo na ang pagkain, damit at suportang medikal. Sana eh makayanan nila ang matinding pagsubok na ito at huwag silang makaisip ng masama para sa sarili nila at sa kapwa.

20131113-003759.jpg

20131113-003712.jpgBase sa mga pictures sa internet sa tindi ng sakuna eh hindi ko mawari kung gaano tatagal at kung papaano muling magsisismula ang ating mga kababayang nasalanta. Nawalan sila ng bahay, kagamitan, kabuhayan, at mga mahal sa buhay. Hindi ito ordinaryong pag re repair lang , ito ay panibagong simula, bagong buhay para sa kanila. Hindi ito isang pelikula na sa isang iglap eh maayos na ang lahat.

20131113-003826.jpg

20131113-003733.jpgMatinding pag aalala din ang kasalukuyang dinaranas ngayon ng ating kapwa Overseas Filipinos na may kamag anak sa lugar na nasalanta at ang ilan nga eh wala pang balita sa kalagayan ng kanilang pamilya dahil hindi pa maayos ang sistema ng telecommunication doon.

Sa laki ng tulong financial na natatanggap ng Pilipinas eh malaking tulong na ito para maisaayos ang buhay ng ating mga kababayan ng higit pa sa buhay nila noon. Sana eh sumapat ang tulong na ito hindi lamang sa pagkain kundi para na rin sa pagpapatayo ng bago nilang matitirahan at panibagong kabuhayan sa tulong ng ating pamahalaan. Sana eh hindi mapunta sa kurakot na tao ang financial na tulong na ito.

Let us pray and hope for the fast and best recovery of our fellow Filipinos.

To help the victims of typhoon Haiyan in the Philippines just contact the reliable organization in the Philippines listed below or the Red Cross Organization in your country.

haiyan

ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation

GMA Kapuso Foundation

Philippine Red Cross

Habitat for Humanity Philippines



 

 

.

image source: yahoo.com, abs-cbn news, google, gma7news.
20131117-085106.jpg

Comments

Popular Posts