Wendy's Chili Rice & Regular Pepsi.

Noong nasa Pilipinas ako, hindi ko naranasan na makakain sa Wendy's. Pakiramdam ko kase eh mas mabubusog at mas sulit kung sa Jollibee, Mc Donald's or karenderia ako kakain. Kase pagkakaalam ko eh burger at salad lang ang tinda nila. Paborito ko sana ang mga salad katulad ng macaroni salad, fruit salad atbp pero namamahalan ako.

Anyway recently eh nag sulputan ang mga branches ng Wendy's Hamburger dito sa Dubai. Dahil paborito ng kaibigan ko ang wendy's eh sa unang pagkakataon eh nakatikim ako ng burger nila. Hindi ako fan ng burger kaya it taste nothing special to me.

May bago silang produkto and it's a rice. It's called Chili Rice, looks good in the picture and mukhang masarap din. 10 AED lang (120PHP) mura na yon, kase dito sa Dubai yong ilang mga fast food and restaurant eh at least 25 AED and price ng food na may rice.

20140423-011848.jpg

 

Inisip ko na kasing sarap ito ng paborito kong Giniling at saka mura kaya kahit na hindi naman ako nagugutom eh punta agad ako sa counter para bumili nitong Chili Rice. It comes with a nice portion of nice hot jasmine rice.

20140423-011855.jpg
To be honest, hindi ko nagustuhan ang lasa, and palagay ko lang hindi ito aprove sa panlasang pinoy. I think it best kung magkakaron pa sila ng ibang flavor.

Comments