Breakfast sa IHOP

Maliban sa Chowking isa ang IHOP Restaurant sa mga madalas kong puntahan kapag ako ay nagugutom dito sa Dubai lalo na pag dating sa breakfast. Bagamat walang rice ang IHOP eh pasado naman sa panlasang pinoy ang mga pagkain dito. IHOP (international house of pancake) is a american chain of restaurant na katulad ng Mc.Donald, KFC atbp.

Ang nakakatuwa dito sa IHOP eh available ang breakfast menu anytime of the day kahit na sa gabi. Madaming beses na akong kumakain dito na parating breakfast sampler ang kinakain ko lalo na pag gutom na gutom ako. Sulit na sulit kase ang busog sa halagang 46AED. It comes with bacon, egg, hash brown, sausages and a two pieces of very good tasting pancake.

20140501-104536.jpg

Hindi ko lang alam kung ilan na ang IHOP dito sa Dubai pero may isa sa JBR The Walk at ang isa pa eh dito nga sa Dubai Mall kung saan eh magandang pwesto dahil may terrace sila na nakaharap sa Dubai Mall Fountain at sa Burj Khalifa.

20140501-105216.jpg

Comments