Wala Daw Gwapong Pinoy sa Abroad

Eh di may bagong waiter sa restaurant na pinag tatrabahuhan namin na isang Italiano, may hitsura ito na medyo Jericho Rosales ang dating. Napansin sya nong kasama kong babae na isa ring kusinero na mula naman sa bansang Nepal. Akala daw nya eh Ukrainian itong lalaking ito. Karamihan kase sa mga waiter at hostess dito eh mga Ukrainian. Italiano yan ang sagot ko naman. Pabiro ko ring sinabi na "typical na ganyan ang hitsura ng mga Filipino sa Pilipinas. Tumawa ba naman sya ng malakas sabay sabing " talaga? sa totoo lang hindi pa ako nakakita ng gwapong pinoy!"  ha ha ha.

https://www.youtube.com/watch?v=FJxtzdFf4SU


Natawa din ako sa sinabi nya. Napaisip ako kung sino ang gagawin kong example ng gwapong Filipino. Obviously hindi naman pweding ako. Sabi ko na lang na ang mga gwapo at magagandang Filipino eh nasa Pilipinas, at yong mga medyo may hitsura at mga pangit eh nandito sa abroad.


[caption id="attachment_1515" align="alignnone" width="400"]wala daw gwapong pinoy sa abroad. wala daw gwapong pinoy sa abroad.[/caption]

Payag ka ba sa sinabi ko?

Pero sa totoo lang eh bibihira nga ang maganda or gwapong Filipino ang nakikita ko dito sa Dubai. At kadalasan kapag maganda or gwapo ito eh napapagkamalan pang ibang lahi.

Comments

Popular Posts