Nakakatuwang maalala na noon eh sa baryo pa kami nakatira, Wala pang gaanong tao noon sa lugar namin na magkakalayo ang bahay, walang kuryente, walang gripo, walang kahit anong klase ng makina, walang technology.
Bata pa ako noon at kung saan saan lang sa paligid ng bahay dumudumi, tinatabunan na lang ng mga kapatid ko ng lupa para hindi matapakan. At ng nagkakaisip na nga ako eh tinuroan na ako na sa kaselyas na dumumi. Kaselyas ang tawag namin sa banyo sa Quezon province. Malayo ang kaselyas namin sa bahay, mga 30 metro ang layo kaya may kasama pa ako pag pupunta sa banyo at binabantayan pa ako baka kase mahulog ako sa butas. Isang malalim na hukay ang kaselyas namin, na nilagyan ng kawayan na sahig, na nilagyan ng butas kung saan doon ka uupo sa tapat ng butas. May dingding na pinag tagpi tagpi na sasa, at coconut leaves, at walang bubong. Nakakagulat nga minsan dahil minsan eh may palaka sa likod ko at tumatalon talon. Eh ang nakakatakot minsan eh baka may ahas.
Walang tubig doon dahil mahirap mag igib ng tubig at malayo ng 50 metro sa bahay namin at 70 metro sa kaselyas. kaya madalas eh papel ang pampunas, ang masaklap eh pag walang papel eh bunot ng niyog or yong balat ng niyog na tuyo at minsan din eh dahon, kung anong madampot. Can you imagine kung ano ang pakiramdam.
Six years old ako ng lumipat sa bayan ang pamilya namin, at doon eh pakunti kunti na kaming nakakatikim ng technology. May TV yong kapitbahay namin at nakikipanood ako at ang iba pang mga kapitbahay. Magkakalapit na ang mga bahay at marami na akong kalaro. At higit sa lahat concreto na ang banyo namin at may drum na lalagyan ng tubig. Nag iigib pa rin sa balon pero hindi na ganon kalayo.
Sixteen years old ako ng pumunta ako sa Maynila, actually sa cainta Rizal, para mag aral, nakitira ako sa bahay ng pinsan ko na may kaya sa buhay. Sa panahon noon eh updated sa technology ang pamilya ng pinsan ko. TV, kotse, at kung ano ano pa. At higit sa lahat ang banyo dito eh may shower, may gripo, may toilet bowl na may flusher. Tudo dekorasyon pa, may salamin, lababo, kurtina floormat at higit sa lahat malinis at mabango.
Sa Maynila kung saan ako namalagi ng matagal eh sari saring banyo na rin ang nakita ko. Mga banyo ng school, goverment agency, bus terminal. lahat ng ito eh wala kang aasahan na maganda o maayos. Segurado parating busy or full kaya wala gaanong time para makasingit sa paglilinis ang janitor kaya malamang eh mapanghe at madumi. Medyo okay sa mga Banyo ng shopping malls kahit na busy eh malinis pa rin at maayos ang amoy. Ang problema nga lang eh walang tissue paper or tubig. Dependi rin naman sa mall, ang iba eh okay at kumpleto at ang iba ay karaniwan.
Dito sa Dubai eh okay ang mga banyo. Sa tutuo lang dito ko unang nakita at hindi ko naiisip dati na mayron palang water sprayer at hindi na kailanagn ng tabo. Bukod sa water sprayer eh may tissue paper pa. samantalang nong bata pa ako eh parehong wala ang bagay na ito sa aming banyo. Naitanong ko nga sa kasama ko dati bakit kailangan pang may tissue eh may tubig na nga? Sagot nya eh tissue paper muna daw para kunti na lang and then tubig naman.
Eh one time nag be briefing kami ng mga katrabaho ko, eh gustong mag banyo nitong isang Aleman sa ground floor samantalang may banyo naman kami sa kabilang pinto lang. Ayaw daw nya don dahil walang tissue paper.
Kwento naman nitong kaibigan ko wala daw water sprayer sa mga banyo sa Pransya ganon din sa Espanya kundi tissue paper lang ang mayron.Ibig sabihin itong mga taga europa eh nagpupunas lamang at hindi naghuhugas. Well I am not sure about this.
Dito naman sa tinitirhan ko ngayon eh katulad din ng sa bahay ng pinsan ko, may water sprayer nga lang at bukod sa shower ay may bath tub pa. malinis mabango. take note ako po ang naglilinis nito.
Iniisip ko nga kung ano pa ang maaring mangyari sa mga future banyo? Robot na tagahugas?

No comments:
Post a Comment