Feature Post

I went camping with my bike and got no sleep ⛺️

Beef Tinola

AHaHahAha

Nagulat na lang ako sa kaibigan ko ng bigla syang tumawa pag pasok namin sa cafeteria, kaya naman pala eh dahil sa ulam na nandoon.... Beef Tinola. Pati ako eh napangiti at noon ko ko lang din nakita ang ganong beef tinola... Napaisip tuloy ako kung may beef tinola nga ba? Pag tingin ko don sa ulam eh nilagang baka naman pala. Malamang eh ibang lahi ang nag handa ng label nong ulam at hindi nila alam kung ano ang tutoong pangalan.
Mabuti na lang at lasang nilagang baka kaya masarap pa rin. Kahit ano pa ang itawag nila don.



Kumakain ka ba ng Hilaw na Karne?

Wala akong muwang noong nasa Pilipinas pa ako na ang karne pala ng baka (beef) ay kinakain kahit na hindi gaanong luto. Nakagisnan na nating mga pinoy ang pagkain ng basta lutong karne at wala tayong muwang lalo na tayong mga mahihirap na mayron palang tinatawag na rare, medium rare, medium well at well done na pagkakaluto ng karne. Lalo na kung hindi tayo nakakapunta sa mga sosyalan na restauran na puntahan ng mga mayayaman.. Nasanay na kase tayo sa mga food court at mga fastfood kung saan eh well done at over cooked ang mga pagkain.

Kahapon we have a guest anim sila I think mga Hapon or Intsik. Omorder sila ng set menu, four course kung saan may starter na salad at cold cuts, second course na saffron risotto with osso boco, main course na beef tenderloin. Then desert na pipiliin na lang nila sa vitrine.

Kapag hindi kami gaanong busy eh ugali ko na ang tingnan sa may dishwashing area ang mga plato na pinagkainan ng guest, tinitingnan ko kung naubos ng guest yong mga pagkain na niluto namin. Pati basurahan eh sinisilip ko pa dahil baka naitapon na don ng waiter yong mga natira.

Nalungkot at nanghinayang ako nang makita ko na halos hindi nabawasan yong beef tenderloin na kanilang inorder. Inisip ko rin na baka hindi sila kumakain ng medium rare na pagkakaluto ng karne. If that is the case eh kasalanan ng waiter dahil responsibilidad nila na tanungin or kung maaari eh ipaliwanag nila sa guest kung paano nila gusto ang pagakakaluto ng karne.



Filipino food abroad

Dito po sa abroad particular na po dito sa Dubai eh may mga Filipino restaurant, Filipino shops at syempre Filipino food products.

Bawat supermarket at grocery dito ay may mga section para sa international product lalo na dito sa Dubai na maraming asian, indian at european.




Mga de lata, dry goods, at mga Filipino seasoning ang kadalasan na mabibili dito.
May mga grocery din na nag bibinta ng lutong pagkain katulad ng adobo at pansit for take away.



Cars in Dubai.


Karaniwang nang makikita dito sa Dubai ang mga abandonadong sasakayan. Sports car, luxury or ordinaryong sasakayan eh basta na lamang ina abandona ng mga taong umaaalis dito sa Dubai. Karamihan sa mga tao dito bago umalis ng Dubai ay ibinibenta ang mga kagamitan nila samantalang ang iba lalo na nga akong biglaan at kapos sa panahon para ibenta ang mga kagamitan eh pinamimigay na lang at kung minsan nga eh basta na lang ini iwanan sa kung saan saan.

Ang sweldo ng ordinaryong empleyado dito lalo na ng mga waiter eh hindi naman kalakihan kung iku kumpara sa Pilipinas. Kagandahan nga lang dito eh walang tax kaya buong buo ang sweldo ng isang empleyado. Sa basic salary na 1100 + tip na nasa 1000 + service chrages na hindi bababa sa 500 dirhams. Umaabot din minsan ng 3000 aed na kung e co convert natin sa piso eh aabot din ng P35,000.

Kung iipunin ng isang empleyado and sweldo nya sa loob ng kalahating taon eh makakabili sya ng second hand na kotse na kadalasan eh mabibili lamang ng 10,000 dirhams. Magandang klase na yon at seguradong maipagmamalaki na.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit basta basta na lang ina abandona ang mga sasakyan dito. Ito rin ang dahilan kung bakit lahat ng klase ng mamahaling sasakyan eh makikita dito sa dami dito sa Dubai.

Pero ako wala akong plano na bumili ng sasakayan, bakit? Eh kase hindi ako marunong mag drive, wala akong license at ayaw ko din.

How to be beautiful, good looking and attractive.

There are ways to improve your looks. You can be beautiful or good looking.

Clean looking people are always attractive they always got the second look. Hindi lahat ng maganda or pogi eh attractive. Being attractive is a big point para ma capture mo ang attention ng lahat.

Your height, skin color  and shape of your face maybe difficult to improve but proper Grooming, Clothing, Posture, Fitness and Attitude are sure things to consider para maging pogi, maganda at attractive ka.

Grooming
Brush your teeth, clean your ears, your face and your body. Clean cut your hair or comb it nicely. Remove unwanted hair. Keep your fingernail clean.
Making and keeping yourself clean will make you confident about your good grooming.

Clothing
Kahit ano pa ang style mo sa pagdadamit you'll be handsome and beautiful and attractive kung malinis ang damit mo, well pressed and well fitted sa katawan mo.

Posture
Stand straight, sit properly, walk confidently and relaxed. Wag masyadong kuba at wag masyadong liyad.

Fitness
Going to the gym to exercise, to work out is a big help to make your self feel better. Exercise and working out also helps you to develop your posture, size and shape of your body.
If you noticed people who have nice body are always attractive, sometimes they are more good looking when they are naked.

Attitude
Smile and greet the people, be nice, be positive about everything. A simple hello with a smile is a big factor to be liked by the people and that makes you atrractive.
Remember that attitude is the most important factor to be liked by others.


You can start now to be attractive, smile and greet the people you meet right after reading this.