Men holding hands while walking.

Malamang ay iisipin ninyo na sila ay bakla dahil sa pag lalakad nila na magkahawak ang mga kamay. Pero sa pagkaka alam ko po eh hindi po sila binabae dahil subrang dami po ng ganyang eksina ang aking nakikita dito sa Dubai. Sabi sabi po eh karaniwan na sa kanila ang ganyang eksina lalo na sa mga Bangladeshi mga Nepali, Indiano atbpa.

Kahit na po ang mga Arabic ay nag be beso beso din sa kapwa lalake at kung minsan pa eh pinag didikit nila ang kanilang mga ilong kung saan ay parang nag ki kiss sila sa labi. Ang mga yan po eh hindi nagangahulugan ng katulad ng iniisip nating mga Pinoy na sila ay bakla. Yan po ay isa sa mga kaugalian at pag galang na kanilang nakagisnan. Hindi po natin dapat na pagtawan kundi dapat po nating igalang.


Comments