Pasensya na po kayo nanay.

Magandang araw po sa inyo nanay, Katulad po ng dati pasensya na po kayo kung hindi na naman po ako makakadalaw sa iyo. Katulad po ng dati nandito pa rin po ako sa Dubai at patuloy po na ginagampanan ang mga gawain na kailangan ko sa pang araw araw na buhay. Okay naman po ako dito mas maginhawa kesa dyan sa Pilipinas at kahit papano po eh nakaka pag abot din sa nangangailangan kahit na priority ko pa rin eh sariling kasiyahan.

 

Okay naman po dito sa Dubai, sa totoo lang po eh ang ayaw ko lang dito eh ang summer na napakainit at ang isa pa po eh ang working hours na walang kaseguraduhan. The rest eh okay naman.

 

Pasensya na po kung hindi ganon kadalas kung makausap ko sina kuya, ate at tatay, wala po kase silang mga facebook at bihira din kung sila ay aking tawagan sa telepono.

 

Nakakapanghinayang po, Kung nabubuhay pa po sana kayo eh di sana naisama ko kayo dito sa Dubai, Dami ko pong naiisip na SANA, KUNG SAKALI, BAKA. na kasama kayo.

 

Eh cge po hanggang sa muli. Naiiyak na po ako eh.

 

Nagmamahal,                                                                                                              Siete.

 

Comments