Dahil sa subrang pagtitipid eh madalas itong Lala lang ang kinakain ko lunch, breakfast or dinner.
Sa Binangonan Rizal pa ako nakatira dati kasama ang dalawa kong kapatid na parehong namamasada ng sasakyan sa Rizal. Mura lang kase ang upa sa bahay doon nasa limangdaang piso lang ang upa sa isang buwan. Ang layo ng binabyahe ko, simula sa Binangonan hangang sa SM City Sta Mesa. Kailangan ko ng 3 oras na allowance para hindi ako ma late sa trabaho. Walong buwan ko rin na napagtyagaan ang ganon, akala ko nga eh mareregular ako dahil na extend ako ng dalawang buwan pero sumuko din ako at naghanap ng ibang trabaho.
Hindi libre ang pagkain sa Red ribbon may discount lang ang empleyado na 25% sa mga pagkain. pero syempre kahit na may discount yon eh mahal pa rin kung ikukumpara mo sa mabibili mo sa mga carenderia. Pag nakakaluwag ako eh Jollibee, Chowking ang lagi kung takbuhan para kumain, ewan ko pero wala pang foodpark (sm malls canteen in the parking area) noong panahon na yon, ( Food Park ay Carenderia na matatagpuan sa level parking ng SM Malls, sa megamall eh nasa 3rd floor parking area open yon sa public pero design para sa mga staff ng mall. sales lady etc.)
Pero madalas eh sadyang pinagkakasya ko lang ang sweldo ko kaya madalas eh Lala lang ang kinakain ko tuwing breaktime. Tubig at lala lang eh nakaka tawid gutom na rin. Ang pinoproblema ko minsan eh kung saan ko ito kakainin dahil walang kainan para sa staff sa loob ng kusina. Kaya madalas eh humahanap ako ng pwesto na walang gaanong dumadaan na tao, madalas e sa mga fire exit or sa mga stairways ng mall. Nahihiya akong kumain sa food court na yong lala lang ang kinakain ko.
International pala ang market ng lala dahil pati dito sa middle east eh makikita mo sya sa mga supermaket na nakahilira kasama ng Lays, Chitos at iba pang mga chitchiria. Mabinta naman dahil sa dami ng Pilipinong bumibili nito syempre ibang lahi din. Bahagi na parati ng grocery ko ang Lala pag napapadaan ako sa supermarket. Nag e stock ako nito ng 3 piraso para sa emergency gutom.
No comments:
Post a Comment