So...very easy.
1.Go to www.bmonline.ph
2.Register by filling up the form
3.Upload a recent picture to your profile
4.Click set an appointment - You can select the timing and location of the office where you want to take the Balik Manggagawa.
5.Print your Balik Manggagawa appointment.
So nong umuwi ako sa Pilipinas pumunta ako sa POEA Ortigas Center dahil yon nga ang appointment na pinili ko, pero nakalimutan ko ipa print yong appointment ko.
Mabuti na lang na doon pala sa POEA e pwede kang doon mismo mag register dahil may computer na nakalaan doon. Pero dahil naka register na ako eh nag login na lang ako at nag print na lang ako ng appointment slip ko.
6.Then pumunta ako sa Teller- kinabitan ng number yong appointment ko at pina diritso ako sa express counter ng "Balik Manggagawa.
7.Binigay ko yong appointment ko, my passport and a passport photo copy and my UAE Emirates ID. then ini update nya yong details ng info ko sa POEA.
8.Binigyan nya ako ng payment slip na 100PHP para magbayad sa cashier
9.Then ipinaliwanag nya sa akin na next time na kukuha ako ng "balik mangagawa or OEC" eh hindi ko na kailangan pumunta sa opisina at ang pagbabayad ay pwede na ring bayaran online or wester union.
9.Dumiritso ako sa cashier at nagbayad ng 100PHP.
Nakakatuwa dahil napaka bilis at maayos ang proseso. Pero yong mga tao na doon mismo sa POEA nagreregister eh subrang haba ng pila. Yong 15 minutes ko sa POEA eh katumbas ng seguro mga 5 hours nila don sa pila.
So nong pabalik na ako sa Dubai, Dahil nag online checked-in na ako 24 hours pa lang bago yong flight ko eh Passport at "Balik Manggagawa or OEC" na lang ang pinakita ko sa Check in counter, then to the OFW counter, then to the immigration officer up to the departure...Oh Kim Chiu and Paulo Avelino are in the same flight with me.
Well Done Philippine Government Service. Thank you.
No comments:
Post a Comment