My Bitcoin and other Cryptocurrencies are keep on growing

My portfolio just reached A$4010.57, it all started with just A$487.65 Today is October 20, 2021, My first day at work after almost three mo...

Cars in Dubai.


Karaniwang nang makikita dito sa Dubai ang mga abandonadong sasakayan. Sports car, luxury or ordinaryong sasakayan eh basta na lamang ina abandona ng mga taong umaaalis dito sa Dubai. Karamihan sa mga tao dito bago umalis ng Dubai ay ibinibenta ang mga kagamitan nila samantalang ang iba lalo na nga akong biglaan at kapos sa panahon para ibenta ang mga kagamitan eh pinamimigay na lang at kung minsan nga eh basta na lang ini iwanan sa kung saan saan.

Ang sweldo ng ordinaryong empleyado dito lalo na ng mga waiter eh hindi naman kalakihan kung iku kumpara sa Pilipinas. Kagandahan nga lang dito eh walang tax kaya buong buo ang sweldo ng isang empleyado. Sa basic salary na 1100 + tip na nasa 1000 + service chrages na hindi bababa sa 500 dirhams. Umaabot din minsan ng 3000 aed na kung e co convert natin sa piso eh aabot din ng P35,000.

Kung iipunin ng isang empleyado and sweldo nya sa loob ng kalahating taon eh makakabili sya ng second hand na kotse na kadalasan eh mabibili lamang ng 10,000 dirhams. Magandang klase na yon at seguradong maipagmamalaki na.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit basta basta na lang ina abandona ang mga sasakyan dito. Ito rin ang dahilan kung bakit lahat ng klase ng mamahaling sasakyan eh makikita dito sa dami dito sa Dubai.

Pero ako wala akong plano na bumili ng sasakayan, bakit? Eh kase hindi ako marunong mag drive, wala akong license at ayaw ko din.

No comments:

Post a Comment