Domestic Helper Success Story

There maybe people dreams of becoming a carpenter or a salesman but I don't think there is person dreamed of becoming a Domestic Helper.

Tagpuan ng mga Pinoy sa Abroad


St. John Cathedral. Ito ang tagpuan ng mga kababayan nating Filipino na nagtatrabaho sa Kuala Lumpur, mapapansin na nagkakaron ng tiangge sa mga bangketa sa paligid ng Cathedral at napupuno din ng mga Filipina ang mga restaurant dito tuwing araw ng Linggo. Kanya kanyang kwento at tawanan at ang iba naman eh nag ne negosyo.

Orchard Road. Ang Orchard Road naman sa Singapore eh ganon din ang scenario lalo na sa araw ng Linggo. Napupuno din ng mga kababayan natin ang lugar kung saan naglalakihan ang mga shopping mall. Kapansin pansin din ang ka sweetan ng mga kababayan nating pinay kasama ang mga nobyo nilang ibang lahi.

Hongkong Central. Natural na sa ating mga Filipino ang pagiging masayahin kaya naman ganyan din ang sitwasyon sa Hongkong Central tuwing araw ng Linggo.

McDonald, KFC at Burger King ilan din ang mga fastfood na ito sa mga lugar sa ibat ibang panig ng mundo kung saan nagtatagpo ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Subukan mong pumunta sa McDonald Milan at seguradong may mga naka tambay na pinoy.


Success Story


Isa si Ms. Xyza Cruz Bacani sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa Hongkong bilang isang kasambahay, pero sa halip na tumambay sa Hongkong Central or matulog maghapon eh mas ginugusto nyang gawin ang kanyang libangan at yan ang Photography.

"When I'm wearing my camera, I'm not a helper anymore, I'm an ordinary girl. It's a way of protection because when you're a helper here there is a kind of stereotyping that they do"

"Pag dala ko ang camera ko, hindi na ako katulong, ordinaryong babae ako. Parang proteksyon ko kase ito, kase pag katulong ka parang iba ang tingin sa yo ng ibang tao"

Kilala si Xyza sa black&white street photography katulad ng 2014 Hong Kong  Street Protest sa Central, ganon din ang kuha ng mga larawan ukol sa buhay ng ibang domestic helpers. At dahil sa angkin nyang talento, katayuan sa buhay at sa mga kuha nyang larawan, Xyza Cruz Bacani was chosen para mag aral sa New York University's Tisch School of the Arts. She is one of the seven people from different country selected by the Human Rights Fellows by the Magnum Foundation.

Sa kasalukuyan eh isa sya sa BBC100 Women of 2015.

BBC100 Women 2015[/caption]

Bilang isang Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, alam natin na ang tanging dahilan ay ang kahirapan sa Pilipinas kaya napipilitan tayong iwanan ang mga mahal natin sa buhay.  Alam natin na hindi pang habambuhay ang pagtatrabaho sa ibang bansa lalo na nga kung alam natin na walang namang pag angat or magandang future ang isang trabaho na katulad nga ng pagiging Domestic Helper, waitress, factory worker at kung ano ano pa.

Kung sakali na kabilang tayo sa ganitong proffession bigyan natin ang sarili natin ng pagkakataon na gawin ang bagay na sa palagay natin eh makakatulong sa ikakabuti ng ating future. Ang internet eh isang mabisang paraan para madagdagan ang ating kaalaman para sa magandang kinabukasan and at the same time eh para kumita ng extra income.



Please visit www.xyzacruzbacani.com to see her works









Source:wikipedia, XyzaCruzBacani

Comments