Marami sa ating mga Filipino na dahil sa hirap ng buhay at baba ng sweldo sa Pilipinas eh napipilitang magtrabaho sa ibang bansa.
My abroad Story
Isa rin akong dating OFW na sa kasalukuyan eh naghahanap ng trabaho bilang kusinero at itong pagsusulat at pag s share ng buhay at travel vlog ang kasalukuyang pinag kaka abalahan ko.
Pumunta ako sa Dubai noong 2008 sa pamamagitan ng isang recruitment agency sa Pilipinas para magtrabaho bilang isang kusinero sa Four Season Golf Club sa Dubai. Ang sweldo ko doon eh 1700 Dirhams. Medyo maluho ako kaya bili muna ako ng mga bagay na gusto ko at nakapag travel din ako sa HongKong, Thailand at Singapore.
Nagsarado ang Four Season at nag take over ang management ng Intercontinental Hotel Group. Marami sa mga kasabayan ko ang umuwi sa Pilipinas at ilan lang kami na nag stay, bumaba ang sweldo ko from 1700 Dirhams to 1200 Dirhams dahil depende sa company, at ang minimum wages law sa Dubai during that time is around 1000 Dirham.
In the same profession I move to Armani Hotel and started again as a Commis 2 with the salary of 1100 Dirhams pero may additional na service charges, tips and bonus. Magandang company ang Armani Hotel, I like the management, I like the people, I love my job and I love the life I am having. There are some problems and arguments but those are part of work and life. I was promoted and raised my salary several times.
During that time I manage to save and wasted money. Nag invest ako sa isang condominium unit sa Pilipinas pero hindi ko naituloy at nasayang ang kalahati ng naihulog ko. I bought things mostly i want and not I need. We eat in a nice restaurant and we travel. But the good thing is I was able to share some to my family.
Bagaman at naging maayos, magaan, masaya ang buhay ko sa Dubai eh tuloy pa rin ang buhay at tuloy pa rin ang pangarap ng mas magandang buhay. At kapag handa na tayo both financially at emotionally eh madali lang naman iwanan ang Dubai.
Sa batch namin halos lahat ng nag stay eh magaganda na ang posisyon sa trabaho ngayon sa Dubai at sa ibang panig ng mundo. Mga kasabayan kong waiter noon eh Restaurant Manager na ngayon, mga kasabayan kong Diswasher eh mababangis na Chef na ngayon. Nakakahinayang isipin na yong ibang umuwi sa Pilipinas noon eh parang nagsisismula pa lang ulit ngayon.
Hindi pa naman tapos ang buhay eh, habang may buhay eh may pag asa. Kailangan lang eh gumagawa ng paraan para abutin ano man yong gustong mangyari sa buhay.
I am not successful, I am just happy.
Ilang suggestion para okay ang buhay sa abroad.
- Be a good person. In general, Filipino workers are likeable dahil sa ugali at sipag natin sa trabaho. Pero yong iba eh mabilis ma promote sa trabaho dahil naturally eh angat sila sa ibang tao in some aspect, hindi ka dapat ma inggit, pero pwede mong e improve sarili mo.
- Save more and spend some. Most of the company abroad provide free food, transportation and accommodation to their staff. Madalas na gastos lang naman talaga sa abroad ng mga pinoy eh pagkain at luho.
- Save some send some. Huwag mong ipadala lahat ng sweldo mo sa pamilya sa Pilipinas. Send just what your family need. Alam mo naman kung paano e budget dahil nong nasa Pilipinas ka pa kahit maliit ang sweldo mo eh napapagkasya naman.
- Save by yourself. Bukod don sa pinapadala mo sa pamilya mo sa Pilipinas mag save ka din dyan. You can use that for your future plan.
- Reward your self. Sometimes dapat mong rewardan ang sarili mo, buy things you need and you want na sa palagay mo eh makakatulong para hindi ka malungkot habang nasa abroad.
- Do not quit quickly. Marami sa mga OFW ang sumusuko kaagad dahil sa pagka homesick, pagka miss sa pamilya. Yong iba naman eh nahihirapan sa trabaho, tiis lang muna dahil ma mamaster mo din yan after few days or weeks or month madali lang yan. And tiis lang din muna dyan sa mabaho, pangit or masamang ugali na kasama sa trabaho, makakasanayan mo rin yang mga yan.
- Find a better salary or better job. Kapag gusto natin yong trabaho natin we do the job really well, at kapag okay ang sweldo napapabuti natin ang trabaho. Sa ganitong sitwasyon magkakaron tayo ng financial freedom.
- Another source of Income. Kung marami ka ng naipon magplano ka na ng negosyo, at kung wala ka pa namang ipon eh mag isip ka ng another source of income na pwede mong gawin on your free time, Internet is a big help.
- Keep Going. Minsan hindi tayo nagtatagumpay sa mga gusto natin sa buhay, just keep going dahil life is good na na e experience natin ang lahat ng klase ng buhay.
- Keep yourself Healthy. Health is wealth, mahirap magtrabaho kapag may sakit. Eat and drink right, do some exercise and be happy.
image screen shoot from www.google.com
No comments:
Post a Comment